July 9, 2012 - Now It can be told Jhonmark Marcia is really in Dominican Republic. Thanks to my very good friend Julio Rodriguez of Belleza Venezolana who despite the distance (Venezuela to California) he can really read minds! At the time when I have my doubts that Jhonmark has finally arrive the shores of this tiny but beautiful Carribean paradise, Julio come to the rescue and supplies us with first hand reports and photos ... and voila ... Jhonmark now shares the Belleza Venezolana pages and limelight, as he is seen cavorting and flaunting muscles vis a vis Latin male delights.
Funny ... pero kahapon , I voiced out my frustration in one of the entertainment blogs (I don't know why I did that... pero nangyari na eh. E doon pala sa konting sinabi mo ... pagbabayaran at pagdusahan mo pala ito ng malaki dahil unti-unting kang kakagatin ng mga nagha-harian doon hanggang wala ng matira sa iyo.
All I said was ," ... This is ridiculous! The awards for Best Physique was announced yesterday, so where was Jhonmark hiding all this time? Even the internet voting is useless ... because one week of being late ... can really cost him inclusion in the top 12 ..." May laman ang sinabi ko pero yon ang totoo.
Na sinagot naman ng isang TOP Commenter doon ng "... anong issue mo kay Jhonmark ... e guapo at deserving naman siya ..." and then nagumpisa ng maging personal ang mga banat. Kailangan bang umabot sa ganoon?
In the first place wala akong issue kay Jhonmark. Una dito ... ay kakilala ko siya, pati na ang manager niya. Ano mang maabot ni Jhonmark sa DR at sa pakontes na ito, ay matutuwa ako lalo na para sa Pilipinas. Kahit semi-finalist na lang, ay talagang papalakpak kami. Ang punto ko lang ... matagal na nilang plano ito na sumali, e bakit parang urong-sulong pa rin sila. Naintindihan ko ang financial burden ng mga nagpapadala ng kandidato sa ibang bansa lalo na ngayong mahirap kitain ang pera. Nakita ko na sang isang South American candidate noon na konti lang ang allowance at kumakalam na ang tiyan sa gutom ay tubig na lang iniinom. Nakita ko rin ang isang kandidato from Europe na tinutulog na lang sa kuarto ng hotel ang ginawa masave lang niya ang konting baon niya.
Hindi natin alam kung ito nga ang rason kung bakit nadelay ang pagdating ni Jhonmark (again let's give them the benifit of the doubt, baka meron ngang valid na dahilan) pero isang katotohanan ang nagdudumilat sa ating harapan, na kahit nandoon ng nga siya at nakipag-bunong-braso at nakipagrat-rat-an na sa mga Latinong Adonis ... malaki ang epekto ng late na pagdating nito -psychologically-wise pati na sa confidence. Kung ang lahat na kandidato ay kampante na sa company ng mga kasama dahil isang linggo na silang nagpatintero sa mga matulaing beach ng Punta Cana ... si Jhonmark at nagaadjust pa lang. E paano na lang kung mahiyain si Jhonmark ... saan na siya pupulutin?
Ito lang ang aking mga worries and fears. Nagpapadala nga tayo ng kandidato at kung saan sana may laban tayo ... doon pa nagkabulilyaso at nagkaaberya.
Doon naman sa entertainment blog na bigla kong naisipan nag-contribute ng aking saloobin... pasensiya na. At doon naman sa mga taong hindi naintiedihan kung ano ang aking tinutumbok pasensiya na rin. Pero di ba dapat hinay-hinay lang at huwag kagat ng kagat. In my opinion, I don't think I deserve it. Kasi ang lason ng laway galing sa pangil ng kumagat ay nakapanghihina ng loob at masakit mang sabihin ... nakakamatay ang rabies na dala nito
Kay Jhonmark naman, sana mali ako ... at sana manalo ka. Alam kong mahirap talunin si Argentina, isama mo pa ang Dominican Republic, Chile at Venezuela pero I know in your own special way, alam kung you will make Pilipinas proud. Sa mga madlang people naman, go na sa Mr. Universe model website at magboto na. Huli man at magaling .... naihabol pa rin!
No comments:
Post a Comment