Pages

Thursday, December 15, 2005

Body-Buddies in Bali!

Photo # 1- VenezuelaPhoto # 2Photo # 3Photo # 4- AustriaPhoto # 5- EcuadorPhoto # 6- MalaysiaPhoto # 7- SpainPhoto # 8- FrancePhoto # 9- IrelandPhoto # 10- Costa RicaPhoto # 11- SingaporePhoto #12- Panama

It was really fun at Bali and as I said ... this is the time when candidates have the chance to know each other and form some lasting friendship. "Nagtataka lang ako sa kandidato natin sa Pilipinas. At the get-go I was rooting for him, tatlong beses ko pang inilalagay ang 3 different set of pictures niya sa welcome page ng Man Central. Wala naman akong pretensions na uuwi siyang may korona, pero makasama lang sa elite group tama na (in fairness kasama naman si Raphael sa Top 15)



While everybody is enjoying and have fun ... I didn't see any picture of him na kasama siya tubig, sa mga laro, sa tug of war. Nahihiya ba siyang sumama sa mga latino? Na-iinsecure ba siyang sumama sa mga puti? Whatever his reason was ( may sakit ba siya, o masama ang pakiramdam? takot ba siya sa tubig?) It is quite frustrating na umaasam rin and mga readers ng blog natin na masilayan ang mukha niya na nageenjoy kasama ang iba pang kandidato pero and nakita nating iisang photo niya ay kasama ang isang staffer ... sana hindi naman pool boy lang ng resort. Wala naman tayong expectations na manalo talaga siya. Yong sa atin lang, makita lang siya na marunong magadjust at nakihalobilo sa iba pang candidates is more than enough for us.



Sana nagkamali lang ako. Again, wala akong intensiyong saktan ang damdamin ng ating kandidato na si Raphael Martinez. Very protective ako pag kandidato na natin ang pinagusapan. Maluwag ako sa aking mga tira at minsan marami sana akong sasabihin pero isinasakin ko na lang. Ang sa akin lang ... kung ikaw ang kinatawan ng ating bansa sana isaisip nila nay may responsibilidad ka hindi lang para sa sarili mo ... kasama na dito ang responsibilidad para sa mga taong sumusubaybay sa iyo. It defeats the purpose na tinanggap mo ang responsibilidad na makipagsapalaran sa contest, pagdating mo doon, kung puede lang sa kuarto ka na lang. Dahil nahihiya ka ... o naiilang ka.



Kung mabasa man ito ni Raphael o nang mga supporters niya, constructive criticisms lang ito po. Huwag ninyong personalin. Kung ang reason ay dahil namimili ang photographer ng mga kinikunan ... tatanggapin namin ito ng maluwag. But if the reason ay dahil nahihiya ka, at ayaw mong makipagbunggoang balikat sa kanila and you'd rather be in your coccoon, para ke pa na nagbiyahe ka pa ng malayo para magmukmok. Tingnan mo ang mga babae nating kandidata, ang mga kinakasama ay yong mga winners talaga. If you go with the non-winner, paano ka pa niyan mapansin? (Ito rin and napansin namin sa kandidato natin sa Manhunt at sa Mr. World .... literally nawawala rin sila? parang wala tayong kandidato ... they are so invisible!)

Photo Credits:

-Julio Rodriguez of Belleza Venezolana

No comments:

Post a Comment